|
Post by mikagami715 on Mar 11, 2008 22:32:07 GMT 8
w8 w8.. ano ba yan sabi sa dyaryo walang Letran.. dahil papaltan sila ng saint benilde.. pero ang alam ko wala ang UP Guest Players : ADAMSON UNIVERSITY : Nerissa Bautista.. i think sya pa rin.. ATENEO DE MANILA UNIVERSITY : either kesinee or ang balita ko eh ung team captain ng thai volleyball team.. FAR EASTERN UNIVERSITY : Sanorseang Areerat.. sure to kasi di maglalaro si cafranca.. LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY : Christina Salak.. eto sure din.. SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS : Jaroensri Bualee.. sya pa rin..revenge? UNIVERSITY OF SANTO TOMAS : Suzanne Roces..antatangkad na naman nila. DE LASALLE UNIVERSITY: joint ba sila with saint benilde? ang alam ko hiwalay sila with CSB..
|
|
™βΔLLЄRŻ™
Forum Manager
Ghost Rider
Posts: 4,722
|
Post by ™βΔLLЄRŻ™ on Mar 11, 2008 22:39:56 GMT 8
Parang late sa balita ah... hehe! Wala ang Letran, UST at DLSU. Magkakaroon ng 2 Visayan teams sa quarter finals... Univ. St. Lasalle-Bacolod at Univ. San Jose Recoletos. Hehe!
|
|
|
Post by janicego30 on Mar 11, 2008 23:36:21 GMT 8
sabi kanina sa news dami pa daw hindi nafafanalize sa vleague though meron ng mga lumalabas na linups kailangan pa din hintayin natin. like ung ust na hindi na daw sasali, pero d pa pla cla nagbibigay ng formal letter sa vleague. kya malay nyo lahat ng napost d2 eh mabigyan ng pansin sa liga dba.
|
|
Sio°paO
High School Player
y Los Sueño
Posts: 4,797
|
Post by Sio°paO on Mar 11, 2008 23:41:20 GMT 8
sana nga.. magdilang anghel ka dude.. heh.. mahaba pa naman ang march.. sana nga baguhin nila ang rules.. then sana din maka recover na ang mga players ng ust wvt..
|
|
™βΔLLЄRŻ™
Forum Manager
Ghost Rider
Posts: 4,722
|
Post by ™βΔLLЄRŻ™ on Mar 11, 2008 23:45:08 GMT 8
Kapag hindi nakapagbigay ng formal letter ay hindi na sasali... yung formal letter kasi isa sa nilalaman nun yung magiging line-up na gagamitin.
|
|
|
Post by pablohoney on Mar 12, 2008 0:16:27 GMT 8
Napakahirap bang intindihin kung bakit hindi sasali ang UST sa V-League?
|
|
|
Post by karisyuhan on Mar 12, 2008 5:30:29 GMT 8
I apologize sa mga moderators kung medyo uminit ang diskusyon dito…I didn’t expect things to get out of hand. I just gave my two cent’s worth. I never maligned or insulted anyone. My opinions are just my personal views and I thought people here would respect my ideas as much as I respected theirs.
Ayoko nang pahabain pa tong discussion na ito kasi lumalayo na tayo sa topic ng thread na to. So for one last time, sasagutin ko ang mga replies nila sa kin and after this, hindi na ko magpopost sa thread na to. Total, pinapalayas na rin naman ako ni stonecold sa thread na to….hehehe
To janicego30:
Yes, I agree na mas mataas ang level of competitions sa VLeague kesa sa UAAP, NCAA, WNCAA, etc… Pero nagsisilbing training ground ito sa ibang liga kasi mas prestigious at mas malaki tong mga ligang to kesa sa VLeague. Compared to VLeague na nasa 5th year pa lang, yung UAAP, NCAA, WNCAA, ilang dekada na rin silang nag-i-exist. At saka mas maraming sports ang kinacover ng mga ligang to, unlike sa VLeague na volleyball lang. Mas importante kasi sa mga schools na manalo sa volleyball sa collegiate leagues kasi habol nila yung overall championship. Every title na nai-earn nila in every sport counts. Pride na kasi ng schools ang nakataya dito at napakalaking karangalan sa school yung manalo ka overall, na sakop lahat ng sports sa liga. And to make things clear, hindi ko sinasabi na hindi prestigious ang VLeague, mas prestigious lang ang UAAP, NCAA, etc. Inuunahan ko na kayo kasi baka mamis-interpret na naman ako.
Hindi ko dinadowngrade ang kakayahan, mental toughness at determination ng ibang teams sa UAAP. Lahat sila matatapang naman eh. Nasabi ko lang na mas determined ang FEU kasi kita naman sa intensity ng laro nila. Kadalasan kasi, kapag pantay ang laban, ang nananalo eh yung mas matibay ang dibdib, yung hindi nagpapakain sa pressure. Katulad na lang nung game 3 nila against AdU, umabot na lang sa 5th set hindi ko pa rin malaman kung sino ang mananalo. Pantay na pantay kasi ang laban. Parehong malalakas ang loob nila. Maganda rin yung ginawa ni Segodine na tinapatan niya yung pang-aasar nila Morada at Cafranca kasi bumawas rin yun sa pressure. The more na nararamdaman mo kasi yung pressure, the more na mapapagod ka agad. Kaso nga lang mas unang dinaga sa dibdib ang AdU sa 5th set kaya naman tinalo sila ng FEU. Yun ang ibig kong sabihin, determination to win for me means never succumbing to pressure. Just to clarify things, hindi ko sinasabi na naduwag ang AdU sa 5th set. Sa huli, meron lang talagang bibigay sa kanilang dalawa and unfortunately for AdU, sila ang unang bumigay. Kinaklaro ko lang to para hindi na naman ako mamis-interpret.
About naman dun sa trashtalking, kahit sa ibang sport meron din yun. Kahit nga sa Men’s at Women’s World Volleyball Grand Prix meron yun eh. Pantanggal kasi yun ng pressure --- morale booster. Pero I agree na dapat naman eh ilagay sa tamang lugar yung asaran. Minsan kasi naki-carried away ang ibang players eh, katulad ni Morada, pero tingnan niyo naman ang karma at natalo sila sa set na nangbelow the belt siya.
Oo nga naman hindi lang FEU ang nagkandatalu-talo saVLeague at UAAP. Hindi ko naman sinabi na sila lang. Nacite ko lang ang FEU as example sa mga teams sa VLeague na nagsimulang mahina (rookies and sophomores lang karamihan ng players nila noon) pero nakabawi rin in the end kasi mas tumapang at mas tumibay sila dahil sa mga pagkatalong yun. Yung sa last conference naman sa VLeague where they chose their former player, Mary Ann Manalo, over more experienced guest players, I think ginawa nila yun kasi at that time, nagpalit sila ng bagong headcoach. Naisip nila siguro na mas mainam na intact pa rin yung team nila habang nag-aadjust pa sila sa bagong sistema ng bagong coach.
About Balse and Bernal naman, wala akong sinabi na wag na silang maglaro sa VLeague. May injuries kasi sina Balse, Bernal at ang iba pang players ng UST kaya malabo rin silang makapaglaro. Kaya naman naisip ko na magandang pagkakataon na to para sa bench players, rookies and new recruits ng UST para magkaroon ng playing time at makapaglaro sa VLeague para naman mas mahasa ang skills nila. Wala na kasi sina Bernal at Balse next UAAP season kaya mas mainam siguro na ngayon pa lang, paglaruin na ang ibang players ng UST sa VLeague para naman mas makakuha sila ng experience para sa UAAP 71.
Okay lang naman kung magkaroon ng tigdadalawang guest players each team sa VLeague. Ang problema nga lang, hindi yun kaya ng ibang teams. Yung 2 Visayan teams pa nga lang eh hirap na sa travel and hotel expenses nila, pano pa kaya kung kumuha sila ng 2 guest players? Tsaka mas makakabuti pa siguro kung isa lang ang guest player kasi mas maraming regular players ang makakapaglaro at mahahasa sa liga. Parang sa PBA din yan eh, nung tigdadalawa pa ng imports each team, halos yung mga imports na lang yung pumupuntos. Yung mga locals nagiging extra na lang. Kaya pagdarating sa All-Filipino conference, bigla silang humihina kasi nasanay na silang may imports na pumupuntos para sa kanila. Tsaka tingin ko naman sa future, pag nacommercialize na ang VLeague, papayagan na rin nilang makapaglaro yung graduates.
To stonecold316:
Nag-aral ako sa UP - Tacloban at University of San Carlos sa Cebu. Proud ako na doon ako nag-aral kasi hindi nila ako tinuruang mang-insulto, manglait o mang-apak ng ibang tao.
At sa tingin ko, hindi ako ang nahihirapang umintindi. Wala akong sinabi na duwag ang UST Team. Eto yung sinabi ko:
Napansin mo ba yung “kung(if)”, “o(or)”, “then” at “therefore” dun? Tawag dun sa ginawa ko, conditional statements. Sa gradeschool pa lang kasi, tinuruan na kami ng logic. Dun ako natutong makipag-usap in a civil way, na hindi na kailangan pa ng cheapshots or pang-iinsulto.
Heto naman yung sinabi ko dun sa reply ko kay binibini:
Hindi ko rin sinabi na mahina ang loob ng UST. Eto ang sinabi ko:
See? Yung misconceptions na duwag at mahina ang loob ng UST Team, sayo na nanggaling yun, hindi sa akin. You jumped early into conclusions kasi. You took my words out of their contexts kaya namis-interpret mo ang mga sinabi ko. Magaling kasi yung pagkakadevelop ng reading comprehension sa amin sa gradeschool pa lang.
Binasa ko nang mabuti yung article about sa UST. Alam kong yung coaches ng UST ang may say pagdating sa bagay na yan. Hindi ko naman sinabi na sundin nila yung sinasabi ko. Sino ba naman ako? Hindi naman ako coach. Hindi ako henyo at hindi rin ako nagmamarunong. Ang pagkakaalam ko kasi, forum site eto, bale pwedeng magpost ng kanya-kanyang opinions yung mga members dito.
Hindi ko sinabing hindi ko tanggap ang pag-pull out ng UST sa VLeague. Hindi lang ako satisfied sa reasons nila:
1. The players want to concentrate on their studies. (Fine! Dapat lang naman. Kasi naman may graduating students sa kanila. But yung other players na hindi graduating, tingin ko naman hindi sila kasing busy gaya ng mga graduating students.) 2. A lot of players are injured. (But not everybody) 3. The coaching staff has no plans to let the young players play sa V-League dahil isasalang nga sila sa ibang tournaments para lalo pa silang mahasa. (Bakit, di ba sila mahahasa sa VLeague?) 4. Pagka-stroke ni coach August. (May assistant coaches naman ah) 5. Pabago-bagong rules sa V-League. (This is obviously a bad precedent for a young league, pero bad precedent din yung basta iiwan mo na lang ang liga dahil lang dun) 6. Hindi papayagan ng V-league board maglaro sila Maizo at Gutierrez maglaro (path*tic) etc., etc., etc. (marami pa namang ibang players ang UST WVT…)
Wala naman akong nabasa sa forum constitution na nagbabawal sa mga La Salle at FEU fans na magpost sa thread na to. At hindi lang kayong mga UST fans ang apektado sa pag-withdrew ng UST WVT. Mamimiss ko rin kaya sina Tan at Tabaquero. Wala akong sinabing malisyoso o nakakasirang mga salita laban sa UST WVT. I posted those comments in good faith, hindi para manira ng tao o ng teams. Hindi ko ugali ang ganun. If my responses are path*tic, then hindi ko na alam kung anong magandang response para sayo. At kung may problema ka sa mga opinions ko, problema mo na yun. Yung patutsada mo sa FEU, hindi ko na papatulan yun. Sa basher’s room dapat yun.
To poloy26
I repeat, wala akong sinabi na duwag ang UST, kaya huwag mo kong konsensyahin tungkol sa health status ni Coach August. Tsaka hindi ko naman sinabi na pilitin ni Coach ang sarili niya na magcoach sa VLeague. May mga assistant coaches naman dyan. Nag pull-out na rin ang isa sa mga favorite teams ko --- ang La Salle. Kung ano man ang opinion ko about sa pagpull-out ng UST, ganun din ang opinion ko sa La Salle…
To Binibini
Wala akong sinabi na mahina ako sa English. Eto ang sinabi ko:
That was supposed to be just a joke. That was just a figure of speech. Haaayzzzzz….
Kung kaya na nga nilang magtrain nang mag-isa, then hindi na nila kailangan pang sumali sa mga liga outside Manila.
Yung tungkol sa Unigames, yung ibang teams yung tinutukoy ko dun. Minention ko lang yun as one of the examples of pre-UAAP, NCAA,WNCAA,etc..leagues.
Hindi ko sinabi na karuwagan kung hindi nila matatanggap ang runner-up finish lang. Ang sabi ko, ”A runner-up finish is not something to be ashamed of. It’s no easy feat.”… And I don’t think being perfectionist has anything to do with withdrawing in a competition.
Kung may mga naoffend man sa previous posts ko, I’m sorry pero hindi yun ang intention ko….
Yun lang po….
|
|
|
Post by Ging Balse on Mar 12, 2008 9:55:41 GMT 8
To BinibiniWala akong sinabi na mahina ako sa English. Eto ang sinabi ko: That was supposed to be just a joke. That was just a figure of speech. Haaayzzzzz…. Kung kaya na nga nilang magtrain nang mag-isa, then hindi na nila kailangan pang sumali sa mga liga outside Manila. Yung tungkol sa Unigames, yung ibang teams yung tinutukoy ko dun. Minention ko lang yun as one of the examples of pre-UAAP, NCAA,WNCAA,etc..leagues. Hindi ko sinabi na karuwagan kung hindi nila matatanggap ang runner-up finish lang. Ang sabi ko, ”A runner-up finish is not something to be ashamed of. It’s no easy feat.”… And I don’t think being perfectionist has anything to do with withdrawing in a competition. Kung may mga naoffend man sa previous posts ko, I’m sorry pero hindi yun ang intention ko…. Yun lang po…. your original statement regarding pagkaduwag: original author= karisyuhanFourth, that notion that "hindi basta basta sumasali ang UST sa anong laban. Hindi nila kakayanin na runner up lang sila"That kind of thinking are only for cowards. Hindi po ibang teams ang sinasabi mo. You said including USTWVT. Please dont make any posts kung di mo po kayang panindigan. I stand with my previous posts. Ang hindi pagsali ng UST ay nangangahulugan na sila ay perfectionists at hindi basta basta sumasali sa mga laban na hindi sila mananalo. Ang pag atras sa isang laban ay hindi nangangahulugan na sila ay duwag. May mga bagay na hindi dapat pagsuungan kung hindi ka rin naman handa. At sa lagay ng mga UST players, handa man ang kanilang isip sa paglaban, ngunit ang kanilang pisikal ay handlang sa pagpapanalo.
|
|
|
Post by junjon on Mar 12, 2008 10:58:00 GMT 8
tama na yan, masyadong pinapagulo ninyo ang thread. balik nalang kayo sa topic.
|
|
AUSTIN316
Senior Forumer 3
Reporter/ Agent
The Rattlesnake is in the House!
Posts: 11,201
|
Post by AUSTIN316 on Mar 12, 2008 12:02:55 GMT 8
As of this time, wala ng balak ang UST sumali sa V-League.
Anyway, move forward ako. Peace sa mga tao na nainsulto sa posts ko.
stonecold316
|
|
rpspiker
Administrator
vamos rafa
Posts: 2,072
|
Post by rpspiker on Mar 12, 2008 16:57:19 GMT 8
It's official now that DLSU and UST wont be playing this season.
|
|
|
Post by abbie08 on Mar 12, 2008 17:39:08 GMT 8
huwaw!! may naging issue pala dito..buti tapos na.hehehe basta sakin ok lang na hindi muna sumali ang ust.kung san nila gusto,dun ako. im not sure lang kung magwatch ako ng vleague ng live ngayong wala sila.last time they didn't join i didnt watch kasi eh.haha
|
|
|
Post by bjzzz16 on Mar 12, 2008 19:22:27 GMT 8
astig noh.. sagutan sa madaling araw!..hehe...
panu na kaya ang vleague?.. hmmm.. ateneo!...
|
|
|
Post by kara on Mar 12, 2008 19:59:56 GMT 8
ang haba ng mga messages.. nose bleed.. hehehe.. okay na guys ha.. support na lang natin ang favorite v-league teams natin.. okay? at isupport na lang din natin yung decisions ng ibang team na hindi sila sasali..
sabi ni Angge sa friendster nya: "No UST this V-league!!!"
|
|
|
Post by bjzzz16 on Mar 12, 2008 20:09:10 GMT 8
walang letran..walang de la salle.. walang uste..hmm.. masaya pa ang vleague.. pero less exciting na..hehe..
|
|