|
Post by kingpeejay on Jun 13, 2013 21:20:56 GMT 8
sa asian club championships nung sumali ang shakey's team aaaahhh.. okie.. Parang di ko ata nasubaybayan yun. HAHA. Thanks! Go go go! Ako ang kinakabahan para sa kanila! hahaha. 25-12 25-18 25-8 scores
|
|
|
Post by companyero078 on Jun 13, 2013 22:57:02 GMT 8
aaaa.. oo naalala ko na.. hahaha..
Btw, sino first six mamaya? and position.
|
|
|
Post by kingpeejay on Jun 13, 2013 23:20:06 GMT 8
Setter: de Leon Open: Valdez & J. Santiago Middle: D. Santiago & Ortiz Utility: Roces Libero: Reyes
according yan sa @rpwvt twitter
|
|
|
Post by trex7 on Jun 14, 2013 5:06:46 GMT 8
sa asian club championships nung sumali ang shakey's team aaaahhh.. okie.. Parang di ko ata nasubaybayan yun. HAHA. Thanks! Go go go! Ako ang kinakabahan para sa kanila! hahaha.
|
|
|
Post by wafu on Jun 14, 2013 10:30:27 GMT 8
Sana si pau na lang sa uti hehe. Goodluck sa team sana manalo sila para mas maiangat ang kalidad ng volleyball sa pinas
|
|
|
Post by livingsaint on Jun 14, 2013 10:39:05 GMT 8
eto ang resulta sa panaginip ko kaninang madaling araw. 3 sets. leading ang Phl until sa 2nd tto kung saan nakahabol ang vietnam. na-neutralize si valdez, ang ending, talo team natin. but it was a closed game. sana baliktad ang totoong resulta sa napanaginipan ko
|
|
|
Post by wafu on Jun 14, 2013 13:28:48 GMT 8
It is better na huwag muna tayo magexpect na manalo sa lahat ng matches although we hope..
Wala nga halos 1 month yung practice nila as a team, ang kinagandahan lang eh lahat sila ay nasa magandang form physically at bata pa. Sana kung ano man ang plano ni coach roger at edjet ay umepekto. Siguro sa opensa wala tayo problema kasi alam natin lahat yan nakakadeliver pero sa floor defense although andyan si jen reyes, di rin natin alam kung ano laro niya kapag kaharap ibang bansa, dagdag points na rin na naging libero siya ng army na nakalaban vietnam noon. Pero sana huwag sila mawalan ng communication sa loob lalo sa depensa. Huwag na huwag din sila masisindak sa kalaba hehe.
Fight for our country!
|
|
|
Post by mir on Jun 14, 2013 18:03:42 GMT 8
Mga MOD parequest naman ng separate board para sa discussions about Philippine SUper Liga
--------------
Philippine Super Liga, itinakda na
Posted by Online Balita on Jun 14th, 2013 // No Comment
Darating sa bansa ang ilan sa pinakamagagaling na manlalaro sa mundo sa indoor volleyball upang pormal na buksan ang unang women’s volleyball na kikilalaning Philippine Super Liga sa Hulyo 6 sa Rizal Memorial Coliseum.
Napag-alaman ng Balita na isa sa nagkumpirmang dadalaw sa bansa ang 32-anyos na si Logan Maile Lei Tom, miyembro ng US Olympic indoor at beach volley Team at apat na beses nakapaglaro bilang outside hitter sa Olimpiada.
Magtutungo din sa bansa ang dating pangulo ng AVC at katatapos lamang magsilbi bilang presidente ng world governing body na Federation International de Volleyball (FIVB) na si Wei Jizhong. Ang kasalukuyang presidente ng FIVB ay si Ary Graca ng Brazil.
Si Jizhong ay nahalal noong Hunyo 19, 2008 bilang ikatlo lamang na presidente sa kasaysayan ng FIVB sa isinagawang 31st FIVB World Congress sa Dubai, United Arab Emirates. Isinagawa ang paglilipat sa FIVB presidency noong Agosto 24 sa Beijing, China.
Anim na koponan ang magsasagupa sa makasaysayang propesyunal na liga sa women’s volleyball na kinabibilangan ng mga kompanyang PLDT, Cignal, Zest-O, Philippine Army, Technological Institute of the Philippines (TIP) at isang malaking kompanya na may-ari ng malalaking mall.
Kumpirmado din ang pagdating ng volleyball powerhouse na Italy at Russia upang magbigay suporta at tulong sa unang torneo sa bansa na orihinal na binuo bilang Philippine Volleyball League na kikilalanin ngayon bilang Super Liga Feminina.
Si Tom ay nagsimula sa sport sa edad na 19, ang pinakabatang babaeng napili sa American Volleyball team tungo sa pagiging miyembro ng 2000 Games sa Sydney. Nakilala si Tom bilang skilled all-around player sa pagtulong nito sa koponan sa serve, receive, defense at atake.
Unang naglaro si Tom bilang professional para sa Brazilian team na MRV/Minas sa Brazil Superliga matapos magsilbi sa US Olympic Team. Nakapaglaro ito sa 2000 Sydney Olympics (4th place), 2004 Athens Olympics (5th place), 2008 Beijing Olympics (silver medal), at sa 2012 London Olympics (silver medal). Pinarangalan din si Tom bilang “Best Scorer” noong 2008 Beijing Olympic Games.
Kinilala din noong 2004 si Tom bilang Most Valuable Player sa prestihiyosong World Grand Prix matapos pangunahan ang lahat ng manlalaro sa scoring sa tinipon na 224 points sa loob ng 13 laban (179 kills, 24 blocks at 21 service aces) kung saan nakuha nito ang titulo bilang “Best Server.”
Mula naman noong 2004-2007 ay tumigil ito sa indoor volleyball at nagpasyang maglaro ng beach volleyball kapareha ni Holly McPeak matapos madismaya sa nakakahiyang ika-5 puwesto ng koponan sa Athens Olympics. Agad itong tinanghal na 2006 AVP Rookie of the Year sa pagtala ng 14 top-10 finishes sa 2007. – Angie Oredo
|
|
|
Post by jigs14 on Jun 14, 2013 19:01:10 GMT 8
saan ba ipapalabas ang super liga? sa balls o sa solar sports?
|
|
|
Post by livingsaint on Jun 14, 2013 22:34:38 GMT 8
solar sports
|
|
|
Post by lokomokonaman on Jun 15, 2013 22:52:58 GMT 8
guys nanalo tayo....bat ang tatamad mag post dito?haahaahahhaahah
|
|
|
Post by redstormer12 on Jun 16, 2013 18:32:18 GMT 8
Good thing nanalo din sila. Ito yung international experience na sana magkaroon sila. Still a long way to go pero sana magtiwala ang gobyerno sa kanila. Pansin ko lang di masyadong effective si Maika, baka mas maganda kung magpalit sina ni Roces at gawing utility na lang si Pau.
|
|
|
Post by etheridge on Jun 17, 2013 8:07:49 GMT 8
Nanalo ba tayo against indonesia? Vids?
|
|
|
Post by livingsaint on Jun 17, 2013 11:50:31 GMT 8
talo in 3 sets. but it was a close game.
re: maika, naka 10 points siya against indonesia. ewan lang kung block points ba yun or attacks kasi wala pa akong nakita videos. i'd say that's a pretty decent score for a middle. bumawi siya sa kanyang lackluster performance against Vietnam and myanmar.
edit: 9 attack points si Maika out of 14 attempts.
|
|
|
Post by livingsaint on Jun 19, 2013 15:56:12 GMT 8
can anyone confirm if totoo ang balita that Gener Dungo and the rest of the PVF board submitted their resignation?
|
|