Dahil pinanood ko ang sa women's games maliban sa UST na di ko na tinapos, gagawa na ako ng fearless prediction.
;D
Champion: FEU (I feel kaya nila ma-sweep ang elims at manalo sa step-ladder format.)
Strengths:1. Nasa kanila ang ROY ng Beach VB. Si Faytaren (kapatid ata ito ni Alexis Faytaren, MB ng FEU-MVT). Mahusay kumilos sa buhangin, may court sense at diskarte na wala sa ibang players. For me, na-outshine niya si Dela Peña na beach volleyball veteran na.
2. Mahusay ang communication skills ng dalawa. At dahil dito kahit mga imposibleng digs at passes nagagawa nila.
3. Kargado services! Daming ace kanina infernes.
Weaknesses:1. Dahil kargado ang serve, risky at madalas lumabas o mapuntang net.
2. Di sila nag-bl-block. Walang net defense pero bonggang bawi sa buhangin.
2nd-3rd UST or ADMUUST: Kay Maru, mararamdaman mo pagkabeterana niya. Si Juday ang pinakastable. Larong buhangin talaga ang meron siya. Ok din ang communication pero hirap sila sa mga kargadong service. Nakatulong rin na parehong OH ang dalawa sa indoor kaya may rhythm sa pagsalo ng bola.
ADMU: First time naiba ang representatives ng ADMU sa beach VB. Pero dahil na-expose sila sa international tournament, may experience na silang baon.
Between the two, UST ang may chance matalo ang FEU, pero kayang talunin ng ADMU ang UST.
4th AdUStrengths:1. Veterans. Defending champs kaya palaban.
2. Tatak Adamson ang floor defense pero di kasing ganda noong sina Pau at Gela pa ang magkatandem.
3. Pineda. Napaka-all around player. Superb floor defense, great attacks.
Weaknesses:1. Mahina mag-dig si Pau. Sa kanila ni Bhebs parang mas sanay si Bhebs sa buhangin.
2. Ang daming miscommunication skills. Si Pau ay natutulala. Liaability din kasi sa digging si Pau.
5th DLSUStrengths:1. Blocking. Gumabao + another tall Cruz is a blocking machine. Pero di naman laging power spikes sa beach Vb eh.
2. Camille Cruz. Kung wala si Faytaren, sa kanya ko ibibigay ang ROY ng beach VB. Makikita mo na may manifestations na ni Cha itong si Camille. Good court sense, good attacks. Umaanggulo talaga.
Weaknesses:1. Rookie team. No experience whatsoever. And it shows during crunch time. Hello 1st game! Hello 3rd set vs ADMU!
2. Poor player combination. Mabagal si Gumabao para sa beach VB. I prefer na si Abi ang 1st player at sub si Mich.
3. Gumabao. Ayan nasabi ko na pangit ang combination, pero kay Gumabao talaga ako na-disappoint. Knows naman ng lahat na di kagandahan ang floor d. ni Michelle sa indoor, bakit pa siya napili for beach vb? Siya ang target ng services. Walang reception, laging nakiki-overlap sa pwesto ni Camille. If I didn't know, aakalain kong mas veteran pa si Camille.
6th-8th UP/UE/NUKahit kanino nalang.
UP hopefully gets the 6th pero tight contention from
UE. Magaling din kasing magdig ang UE ma-error nga lang.
NU I think may be the cellar dweller. Pangit ang galaw nila sa court.
O ayan. Game reviews niyo mga frienelins.
P.S. Masakit sa mata ang yellow, kaya ginamit ko ay orange para sa UST. Mamaya maraming mag-react eh.