I love USTe talaga... pero gusto ko din ang DLSU
during the start of the game I thought walang laban ang DLSU sa USTe, akala ko 3 sets lang tatagal ang laban na to. Like what happened in the UNIGAMES...
1st Set - nangangapa pa ang DLSU, parang walang ipapakita sa laban. Palagi sila nabblock ng UST... halos walang makalusot na bola from DLSU, madaming blocks si Maizo at Mance
2nd Set - bumawi na ang DLSU, anjan na ang powerfull attacks nila at may blocks na din..
3rd Set - bumawi ang UST, lumaban ang DLSU pero makikita dito na mas maraming attacks ang UST
4th Set - maganda ang floor defense ng DLSU, 18 attacks from UST and only 16 from DLSU (kung hndi ako nagkakamali) mas marami din ang Unforced Errors ng USTe
5th Set - Natalo ang UST dahil hanggang ngayon ay floor defense pa rin ang problema nila.
Magagaling ang rookies ng DLSU at UST..
Banaticla - feeling ko Rookie of the Year ito
Santiago - magaling din plus matangkad, may chance na maging ROY.
Siy - okay din ang receives, digs nya... konting training lang para mas maging magaling sa pagsset, blocks and attacks...
Marano - mukhang kinakabahan, especially nung start ng game, pero mukhang malakas din
Maizo - magaling talaga sya.. pero may konting mga errors lang.. kelangan bawasan
Tabaquero - magaling din, may mga errors lang din.. sayang
Cruz - kung may Maizo ang UST, may Cruz naman ang DLSU.. napaka versatile talaga.. matalino at alam ang gagawin nya sa court.. malakas ang attacks at lahat ng position sa volleyball ay kayang laruin...
Mercado - malakas ang attacks nya,may backrow attacks na din at okay din ang receives and blocks
Ortiz - magaling pero hndi masyadong mataas ang success percentage nya...
Caballejo - magaling pero inconsistent, mukhang mas magaling si Banaticla kya wla sya msyadong playing time...
Mance - mabagal pa rin sya until now, okay sya mag block during the 1st set un lang
Alarca - mabilis kumilos sa court, maganda din ang performance nya sa front line at sa backline..
Cerveza - okay lang... hehehe... sakto lang.. cute? laging nkasmile... nakakatuwa lang din panoodin...
Dimaculangan - may konting errors, at pangit din ang 1st ball kaya hndi ganun ka ganda ung ibang sets nya. pero syempre magaling pa rin...
Martinez - malaki na din ang improvement nya, magaling na din mag set
Diego - sakto lang, pinapasok sya together with Marano para magkaron ng blocker sa frontline.
Fortuno - may konting improvement pero kelangan pa talagang mag training ng mabuti.
Gohing - may konting errors pero magaling pa rin at hinahabol talaga ang mga bola..
Opinion ko lang po ito pero:
Blocks - both teams are good in blockings pero mas matangkad ang players ng UST at sympre anjan si Maizo, Mance at Ortiz so may konting advantage sila dito
Attacks - hilaw pa ang ibang players ng DLSU.. pero mukhang mas powerfull ang attacks nila Cruz, Mercado at Alarca... maraming options ang UST kaya mas maraming points ang nakukuha nila dito... mas may advantage pa rin ang UST sa attacks
Sets - parehong magaling, nakadepende na lang siguro ang magandang set sa magandang receive
Receives - mas may advantage ang DLSU dito, matagal ng problema ng UST ang department na ito
Digs - mas okay din ang DLSU dito...
Services - may advantage ang DLSU dito, services ni Cruz, Alarca at Mercado...