Eto first 6 nila kanina:
Ange, Maru, Aiza, Hannah, Rhea, Maika. Ang libero ay si Jen. May injury si Judy kaya hindi nakalaro at pinalitan ni Maru. Si Rox naman ay hindi pa talaga game shape kaya off the bench muna siya. Marami ang nanood at talagang excited makita ang UST lalo na ang pagbabalik ni Ange. Maganda ang pinakita ng team. Medyo nag-relax nga lang nung 2nd kaya natalo.
Sa ngayon ay si Jen muna ang gagamitin na libero sabi ni coach Shaq, mas steady daw kasi siya kesa kay Kat.
As usual ay malakas pa rin si Aiza sa opensa at depensa. Ngayon ay mas marami na ang binibigay na bola sa kanya. Naka-ilang back row attack din siya. Tingnan nyo, POG agad. Hehe!
si Hannah ay nung 1st set pinalaro at may improvement na rin. Mas mabilis na siyang kumilos at mas ok na pumalo.
Nung 2nd set na pinasok si Rox. Sigawan uli ang crowd. Medyo kinakapa pa nya ang paglalaro kasi matagal na siyang hindi nakapaglaro ng ganun. Mabagal na siyang kumilos pero makikita mo na andun pa rin ang liksi nya. Isang beses nya lang yata nagawa yung trademark running spike nya. Nung maka-puntos ay hiyawan ang crowd.
Si Maika ay as usual magaling dumiskarte sa quick nya. Maganda rin ang depensa sa net. Konting polish pa yung running spike nya. Isa sa pinagsigawan ng crowd kanina ay yung di nya sinasadyang pag point. Nakatalikod siya at pinalo yung bola kasi mis-receive, di sinasadyang ma-oover pa pala yung bola nung pinalo nya, ayun, puntos. Hehe!
At ang pinaka-inaabangan ng lahat na si Ange. Unang palo pa lang ay sigawan na ang lahat. Siya pa rin ang dating Ange. Magaling sa dig at receive at siyempre sa pag-spike. Madalas ay sa kanya binibigay ang bola at nakaka-puntos agad siya. Akala ko nga ay siya ang POG kanina.
Mas madali na ang trabaho ni Rhea ngayon sa pagseset. Mas marami na kasing offensive options ang team. Andyan pa rin ang kanyang magandang blocking. May mga ilang beses din nyang tinulak sina Hannah at Maika kasi humaharang kapag magseset siya.
At ang mga rookies...
Marami na agad ang namangha sa pinakita ni Maru kanina. Basta mabigyan siya ng magandang set ay patay na. Pinakita nya kung bakit siya ng ROY ng UAAP beach volley. At kahit nabo-block siya ay sige pa rin. Mautak ang ginawang laro kanina. Kapag nablock siya ay sa susunod ay i-swipe nya yung bola sa blocker. Maganda rin ang pag-receive nya kanina na waterloo nya during practices. Konting polishing pa ang jump serve nya. Tama si Coach Shaq na hindi ibahin ang serve nya.
Si Jen naman ay maganda rin ang pinakita bilang libero. Tulad ng sabi ko dati ay solve na ang libero problems ng team. Either si Jen or si Kat lang ang ilalagay ni Coach bilang libero. Kahit na may mga times na hindi nya nahahabol ang bola ay ok pa rin. Gagaling pa siya, basta tuloy-tuloy lang ang training.
Si Dindin naman ay maganda rin ang pinakita. Running spike agad at hiyawan ang mga tao. Medyo off timing pa siya sa pagblock pero makikita nyo ang potential nya. Magiging threat din siya dahil pwede siyang mag-open spiker. Sa height nya na 6'1 at 16 yrs old, marami pa ang matututunan nya.
Si Kat ay nung bandang huli na pinasok. Yung huling 3 services nya ang tumapos sa game. Sabi ko nga nung huling part ng game ay 2 liberos na ang nasa court, siya at si Jen. Hehe!
1st win pa lang yan ng UST. Marami pa pwedeng mangyari. Basta sumuporta tayong lahat sa UST matalo man o manalo.
Go USTe!